Thursday 8 February 2018

#BeingAFanGirl Blog No. 5

Hello po sa inyo! 😊

From now on, lahat ng i-publish kong blog ay TAGLISH (Tagalog-English) na! Para naman mahaba ang maisulat ko at mas ma-gets nyo yung feelings/thoughts ko.😃

For this blog, I will tell you about the Celebrity Screening of #MeetMeInStGallen.


Nagpunta ako sa Celebrity Screening ng #MeetMeInStGallen last February 6, 2018 kasama ang mga Belavers. Yung feeling na biglang nagkaron kami ng ticket tapos hindi ako nagdalawang isip na pumunta kahit sa Ortigas ako manggagaling at sa Trinoma yung screening. 5pm ang out ko sa work tapos 7pm yung screening. Kahit na alam kong mahihirapan ako pumunta, I took the risk na mag MRT na lang bilang yun yung fastest way (kesa mag-bus at EDSA ang daan). By 6:30pm nakapila pa din ako sa MRT. Since alam ko 7pm ang start nung event, kinakabahan na ko na baka di ko maumpisahan yung movie pero dahil premiere yun umasa ako na hindi naman talaga magstart ng 7pm yun. Nakasakay ako ng train by 7pm, 30 mins akong naghintay para makasakay sa MRT. Dun ako sumakay sa part ng train na halo yung male and female, grabe yung mga tao, as in itutulak ka nila papasok para makasakay sila. Muntik na talaga ko masubsob dun sa nasa harapan ko buti na lang hindi. (hahaha..) nakarating ako sa Trinoma ng mga 7:30pm. Syempre hindi pa nga nagstart kasi wala pa yung mga bida sa movie.

Habang naghihintay ang lahat sa pagdating nila Bela Padilla, Carlo Aquino at Direk Irene Villamor, may mga ibang artista pang dumating sa event at rumampa sa red carpet. Yung ibang artista lumalabas muna ulit para bumili ng food nila. Bilang isang fan girl, kahit sinong artistang makita ko, gusto ko magpapicture if may chance. So yun yung ginawa ko sa ibang dumadaan. (Sa last part ko na ilalagay lahat ng picture.)

8:30pm nag-start yung movie. Sa umpisa ng movie laugh-trip kaming mga nanonood. Ang ganda kasi nung mga lines ni Bela at yung pagkadeliver nya nung lines. Tapos kinikilig ako kay Carlo kasi ang gwapo nya talaga. hahahaha.. Tapos nung medyo tumatagal na yung movie, kikiligin ka na ng bongga sa kanilang dalawa tapos biglang mapuputol yung kilig mo (hindi ko po sasabihin kung bakit dahil maspoil ko kayo). Tapos habang papalapit na sa ending yung movie pabigat ng pabigat sa pakiramdam yung mafeel mo. May mga scenes pa nga na hindi ko talaga kinaya at naiyak ako pero hindi ko pinahalata sa katabi ko. (hahahaha..) Ang ganda din ng mga angle ng shots dun sa movie and yung mga acting talaga nila madadala ka ehh. Tapos yung mga scenes na biglang papatugtugin yung kanta ni Moira (#PasokMoira), mas ramdam mo yung sakit ehh. Ang ganda din sa St. Gallen, feeling ko super lamig dun. Overall, MAGANDA talaga yung movie and YOU SHOULD WATCH IT. Yung kahit napanood mo na, gugustuhin mong ulitin ulit kahit ang sakit-sakit nung movie.

Carlo, Bela and Direk Irene before entering the cinema.
With Carlo Aquino

With Bela Padilla

With Moira 👍

With Alex Diaz 😊

With Juancho Trivino 😊

With Gil Cuerva 💜
Hope you enjoyed reading my blog.😁 See you again on my next blog.😍